Tula ni Vladimir Mayakovsky
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Pinaghalawan: Panitikang Ruso ng ika-20 Siglo
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
na tambak ng sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
habang palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
ako
at si Lenin -
isang larawan
sa
kaputian ng dingding.
Sumirit pataas ang pinaggapasan
sa ibabaw ng kanyang
labì
habang namutawi ang talumpati
sa
kanyang bibig.
Ang malalang
gatla sa kanilang noo
ay may diwang
mahigpit nilang
tangan,
ang noo nilang napakalapad
ay tinutumbasan ng napakalawak nilang diwa.
Isang gubat ng mga bandila,
singkapal ng damo ang nakataas nilang kamay...
Libu-libo ang nagmamartsa
sa ilalim niya...
Nakalulan,
nag-aalab sa ligaya,
bumangon ako mula sa aking kinalalagyan,
upang makita lamang siya,
papurihan siya,
mag-ulat sa kanya!
“Kasamang Lenin,
ako'y nag-uulat sa iyo -
(di dahil dikta ng opisina,
ang puso’y nadidiktahang mag-isa)
Ang napakatinding gawaing itong
dapat nating gampanan
ay dapat magawa
at
ginagawa na.
Pinakakain namin at dinadamitan
at binibigyang-liwanag ang nangangailangan,
ang mga kota
para
sa uling
at para sa bakal
ay nagampanan,
ngunit mayroong itong
di
madalumat
na pagdurugo
marumi
at walang
saysay
pa rin sa ating paligid.
Kung wala ka,
napakarami
ang hindi na napanghawakan,
ang isa’y natulak
ng mga pag-aaway
at pagbabangayan.
Maraming mga
taong hamak
na nasa ating mga lupain,
nasa labas ng hangganan
at narito rin
sa loob.
Subukan mong
bilangin
sila
at
italâ sila -
wala yaong
paroroonan,
naroon ang lahat ng tipo,
at sila’y
singkapal ng
kulitis:
ang mga panggitnang magsasaka,
ang
mga may disiplinang bakal,
at,
sa baba ng hanay,
ang mga lasenggo,
ang
mga sektaryan,
ang mga sipsip.
Gumigiri-giri sila sa paligid
nagmamalaking
tulad ng pabo,
ang mga tsapa at pluma’y
nagkalat sa kanilang dibdib.
Gagapiin natin ang karamihan sa kanila -
ngunit
ang sila’y gapiin
ay di madaling gawin
sa pinakainaman nito.
Sa mga lupaing nagyeyelo
at sa mga pinaggapasang
palayan,
sa mga plantang mauusok
at sa mga pabrika,
narito ka sa aming puso,
Kasamang Lenin,
kami'y
nagtatatag,
kami'y nag-iisip,
kami'y humihinga,
kami'y nabubuhay,
at kami'y lumalaban!”
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
na tambak ng sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
habang palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
ako
at si Lenin -
isang larawan
sa
kaputian ng dingding.
-
-
-
-
Conversation with Comrade Lenin (1929)
Poem by Vladimir Mayakovsky
Source: 20th Century Russian Literature.
Awhirl with
events,
packed with jobs one too
many,
the day slowly
sinks
as the night shadows fall.
There are two
in the room:
I
and Lenin-
a photograph
on the whiteness of wall.
The stubble
slides upward
above his lip
as his mouth
jerks open in speech.
The tense
creases of
brow
hold thought
in their grip,
immense brow
matched by thought immense.
A forest of
flags,
raised-up hands thick as
grass...
Thousands are
marching
beneath him...
Transported,
alight with
joy,
I rise from my place,
eager to see
him,
hail him,
report to him!
“Comrade Lenin,
I report to you -
(not a dictate
of office,
the heart’s prompting
alone)
This hellish
work
that we’re out to do
will be done
and
is already being done.
We feed and we clothe
and give light to the
needy,
the quotas
for coal
and for iron
fulfill,
but there is
any amount
of bleeding
muck
and
rubbish
around us still.
Without you,
there’s many
have got out of hand,
all the
sparring
and squabbling
does one in.
There’s scum
in plenty
hounding our land,
outside the
borders
and also
within.
Try to
count ’em
and
tab ’em -
it’s no go,
there’s all
kinds,
and they’re
thick as nettles:
kulaks,
red tapists,
and,
down the row,
drunkards,
sectarians,
lickspittles.
They strut
around
proudly
as peacocks,
badges and
fountain pens
studding their chests.
We’ll lick the
lot of ’em-
but
to lick ’em
is no easy job
at the very best.
On
snow-covered lands
and on stubbly fields,
in smoky
plants
and on factory sites,
with you in
our hearts,
Comrade Lenin,
we build,
we think,
we breathe,
we live,
and we fight!”
Awhirl with
events,
packed with jobs one too
many,
the day slowly
sinks
as the night shadows fall.
There are two
in the room:
I
and Lenin -
a photograph
on the whiteness of wall.