Biyernes, Enero 2, 2015
Mga Tanong Mula sa Manggagawang Nagbabasa - tula ni Bertolt Brecht
mula sa http://marxists.org/subject/art/literature/brecht/index.htm
Questions From a Worker Who Reads
Bertolt Brecht 1935
Mga Tanong Mula sa Manggagawang Nagbabasa
ni Bertolt Brecht noong 1935
Salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Who built Thebes of the 7 gates ?
In the books you will read the names of kings.
Did the kings haul up the lumps of rock ?
Sino ang nagtayo ng pitong pintuang bakal ng Thebes?
Sa mga aklat mababasa mo ang mga pangalan ng mga hari.
Ang mga hari ba ang naglagay ng laksa-laksang bato?
And Babylon, many times demolished,
Who raised it up so many times ?
At ang Babilonyang ilang ulit na giniba,
Sino ang nagtayo nito ng napakaraming ulit?
In what houses of gold glittering Lima did its builders live ?
Where, the evening that the Great Wall of China was finished, did the masons go?
Sa anong mga bahay na gintong kumikinang nakatira ang mga nagtayo ng Lima?
Saan, sa gabi nang matapos ang Dambuhalang Dingding ng Tsina, nagtungo ang mga mason?
Great Rome is full of triumphal arches.
Who erected them ?
Napakaraming matatagumpay na arko ang Roma.
Sino ang nagtayo ng mga iyon?
Over whom did the Caesars triumph ?
Had Byzantium, much praised in song, only palaces for its inhabitants ?
Kanino nagtagumpay ang mga Caesar?
Ang Byzantium, na pinakapupuri sa awit, ay mga palasyo lang para sa mga nakatira rito?
Even in fabled Atlantis, the night that the ocean engulfed it,
The drowning still cried out for their slaves.
Kahit na ang maalamat na Atlantika, nang gabing sinakmal iyon ng karagatan,
Ang pagkalunod hanggang ngayon ay nananaghoy para sa kanilang mga alipin.
The young Alexander conquered India.
Was he alone ?
Sinakop ng batang Alejandro ang India.
Mag-isa lamang ba siya?
Caesar defeated the Gauls.
Did he not even have a cook with him ?
Tinalo ni Caesar ang mga Gaul.
Wala ba siyang kasama kahit tagapagluto man lang?
Philip of Spain wept when his armada went down.
Was he the only one to weep ?
Lumuha si Felipe ng EspaƱa nang bumagsak ang kanyang armada.
Siya lamang ba ang lumuha?
Frederick the 2nd won the 7 Years War.
Who else won it ?
Naipagwagi ni Frederiko Ikalawa ang Pitong Taon ng Digma.
Sino pa ang nagwagi nito?
Every page a victory.
Who cooked the feast for the victors ?
Bawat pahina ay tagumpay.
Sino ang nagluto sa piging ng mga nagwagi?
Every 10 years a great man.
Who paid the bill ?
Bawat sampung taon ay dakilang tao.
Sinong nagbayad ng gastusin?
So many reports.
Nakaparaming ulat.
So many questions.
Nakaparaming tanong.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)