Dapat nating igalang ang imahe ng ating mga bayani, at ilagay sila sa tamang kalalagyan. Ang effigy ni Gat Andres Bonifacio ay nakatambak lang sa balkonahe ng tanggapan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), hindi tamang naroroon lamang siya, na tulad ng pagkakatali sa puno ng rebulto ni Gat Andres nang tinanggal ang kanyang rebulto sa Makati nitong Nobyembre lamang upang bigyang daan ang proyektong roadwidening ng DPWH.
Nais nating mailagay sa anumang museyo ang effigy ni Gat Andres, na ginamit noong Nobyembre 30, 2017. Nais naming iambag ang imaheng ito ni Bonifacio saanmang museyong pangkasaysayan o tanggapan ng anumang history group kung saan kagalang-galang naman siyang tingnan, dahil siya'y ating bayani. Mangyaring kumontak lang sa amin sa BMP kung saan maaaring i-donate ang effigy niyang ito. Maraming salamat po.
- gregbituinjr.