DALAWANG TULANG BINIGKAS SA "PRAY FOR EIGHT" CONCERT SA LUNETA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Isang pambihirang pagkakataon ang ibinigay sa inyong lingkod ng mga kasapi ng CAMB (Campaign Against the Marcos Burial at Libingan ng mga Bayani), nang ako'y nakatula sa harapan ng maraming tao noong Nobyembre 6, 2016 na ginanap sa Lapulapu Monument sa Luneta sa Maynila.
Pambihirang pagkakataong hindi dapat palagpasin, kaya inihanda ko ang aking sarili.
Noong panahong iyon ay may nakahanda na akong tula, ngunit hindi pa tungkol sa mangyayaring pagpapasya ng mga hukom ng Korte Suprema sa Nobyembre 8, 2016, dahil hindi agad ako nakagawa dahil sa dami ng gawaing inaatupag.
Nakita ako ni Dino Manrique na nakaupo sa tabi ng mga audience, at ako'y kanyang tinawag. Pinapunta sa likod ng stage at sinabihan ang emcee na ako'y tutula. Mabuti na lang at may handa akong tula na naka-print sa bond paper.
Tinawag ako ng emcee at sinabihang pag maglilitratuhan na ay saka ako tutula. Nais kasi ng isang broad sheet na kumuha ng litrato na pam-front page. At sinabi ng emcee sa mga tao na magpunta na sa harapan ng stage upang mag-pose para sa litrato.
Nang magsimula ang litratuhan ay binasa ko naman ang unang apat na saknong ng anim na saknong ng tula kong "Bawat Bato para sa Bawat Bayani", na nang matapos ang ikaapat na saknong ay nagpalakpakan ang mga tao. Matapos ang litratuhan ay nagsibalik na sa kanya-kanyang pwesto ang mga dumalo, saka ako muling tinawag ng emcee upang magbasa ng isa pang tula. Binasa ko naman ang tulang "Si Liliosa Hilao".
Narito ang dalawang tulang aking binasa:
HINDI BAYANI ANG DIKTADOR
simbolo ang Libingan ng mga Bayani
ng dangal, ng tapang, ng giting ng marami
silang totoong nagpakasakit, nagsilbi
sariling buhay ang alay, bayan ang saksi
may isang pinunong malaon nang humimlay
na diktador sa bansa noong nabubuhay
nais ng mga kaanak nitong namatay
na doon ay ilagak na ang kanyang bangkay
ngunit kayraming nagprotesta, humihiyaw
di marapat doon ang taksil na nagpataw
ng martial law na sa bukas nila'y gumunaw
berdugong diktador na sa laya'y umagaw
bakit ang di bayani'y ililibing doon
bakit di na ilibing sa kanyang rehiyon
libingan ng bayani'y simbolo ng nasyon
ang di marapat ay huwag doon ibaon
SI LILIOSA HILAO
mula Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
estudyanteng may katapatan sa adhika
nang dahil sa kanyang maagang pagkawala
ang pamilya niya'y lumuha’t naulila
punong-patnugot ng Hasik, na publikasyon
ng kamag-aaral ng paaralang iyon
binatikos sa pahayagan nilang yaon
ang diktaduryang Marcos na animo’y leyon
siya'y iskolar, magaling na estudyante
kandidato siyang maging summa cum laude
ngunit naglaho ang ningning ng binibini
nang siya'y dinukot ng apat na ahente
ng konstabularyang galamay ng tirano
na makapangyarihan sa buong gobyerno
hawak sa leeg ang maraming pulitiko
at kamay na bakal ang pinairal nito
ayon pa sa ilang ulat, si Liliosa
ay pinahirapan, ginamitan ng pwersa
ginahasa, pinaslang ng Konstabularya
unang biktima ng madugong diktadura
ang kwento ni Liliosa'y dapat masambit
sa salinlahi ngayon nang di na maulit
kay Liliosa at sa iba pang ginipit
mailap na katarungan nawa'y makamit
Ito naman ang kinatha kong tula matapos ang aking pagbigkas, at habang naghihintay matapos ang konsiyerto. Nakaupo lamang ako sa gilid habang nanonood ng konsiyerto ang mga kasama.
PAGNINILAY SA "PRAY FOR EIGHT" CONCERT
dinggin nawa ng walo o higit pang mahistrado
ang tinig ng bayan at pintig nitong aming pulso
na kasaysayan ay kaakibat ng pagkatao
at ugat ng lahing dapat buo, di binabago
patuloy na humihikbi ang maraming pamilya
ng mga nawala sa panahon ng diktadurya
hanggang ngayon, kay-ilap ng ninanasang hustisya
nawa, katarungang asam na'y mapasakanila
pagpapasiyahan nila kung wasto bang ilibing
sa Libingan ng Bayani ang diktador ng lagim
sugat pang di hilom ay huwag budburan ng asin
kasaysayan pag nayurakan ay di malilihim
kami'y umaasang maging patas ang inampalan
at di yuyurak sa pagkatao't dangal ng bayan
O, hukom, maalam ding maningil ang kasaysayan
mga pasiya nyo nawa'y maging makatarungan

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento