Interesado akong sulatin ang isang aklat hinggil kay Crisanto "Ka Anto" Evangelista, ang tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930.
May dalawa akong saliksik hinggil sa isa niyang sanaysay at isa niyang tula:
(a) Kung ano ang mga pangunang tungkulin ng isang manggagawa - Sanaysay ni Crisanto Evangelista
(b) Ang Sigaw ng Dukha - tula ni Crisanto Evangelista
Nasaliksik ko rin ang ilang kaso sa Korte Suprema na kanyang kinasasangkutan, tulad ng:
(a) Crisanto Evangelista versus Tomas Earnshaw, G.R. No. 36453
(b) The People of the Philippines versus Crisanto Evangelista, Jacinto Manahan and Dominador Ambrosio, G.R. No. L-36275
(c) The People of the Philippines versus Crisanto Evangelista and Abelardo Ramos, G.R. No. L-36277
(d) The People of the Philippines versus Crisanto Evangelista, et al., G.R. No. L-36278
Nabanggit din si Ka Anto sa mga kaso noong 1940 (G.R. No. L-47903), 1948 (G.R. No. L-1673), at 1964 (G.R. No. L-6025). Noong 1921, nang hindi pa niya naitatag ang PKP ay nabanggit na rin siya sa isang kaso, sa G.R. No. L-16717, "On that date a meeting of the strikers and their sympathizers was held at the Zorrilla Theater, which meeting was opened by Simeon and afterwards presided over by Salita. At the meeting one Crisanto Evangelista made an inflammatory speech in which he criticized the Government for protecting the "scabs" with Constabulary guards and secret service men, and stated that in other countries such repressive measure led to violence on the part of strikers. He finally, however, advised the audience to remain peaceful while justice took its course."
Marami pang sulatin si Crisanto Evangelista na dapat masaliksik, at hindi pa ako nagkakaroon ng kumpletong kopya, tulad ng manipestong "Manggagawa: Ano ang Iyong Ibig?"; kopya ng sanaysay na pinamagatang "Kung Alin-alin ang mga Paraang Mabisa sa Ikalalaganap ng Unyonismo sa Pilipinas" sa ilalim ng alyas na Labor Omnia Vinci (kumilos para sa tagumpay ng lahat) kung saan isinali niya sa isang patimpalak sa sanaysay na inilunsad ng Kawanihan ng Paggawa at nanalo; ang sanaysay na Nasyonalismo-Proteksiyonismo vs. Internasyonalismo-Radikalismo (Babasahing Anak-Pawis, 1929); at iba pa.
Pag nakuha ko ang mga ito, at pati na ang kanyang talambuhay, maaari nang gawing isang aklat ito, upang makatulong sa pagsasaliksik din ng iba hinggil sa tagapagtatag ng PKP. Kung sakali mang makita ninyo ang ilang mga hinahanap kong sulatin, halimbawa, sa Library sa inyong lugar ay sabihan nyo po ako. Marami pong salamat.
- GREGBITUINJR.
Draft cover ng planong aklat ng inyong lingkod
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento