Martes, Pebrero 27, 2018
Lunes, Pebrero 19, 2018
Mga marker sa Balayan
Dumalaw akong muli sa bayang sinilangan ng aking ama, upang daluhan ang paanyaya ng aking nakatatandang kapatid na babae, Linggo, Pebrero 18, 2018. At habang paparoon ako sa kitaan ay nadaanan ko ang ilang makasaysayang marker at estatwa kaya kinunan ko ng litrato bilang bahagi ng kasaysayan ng bayan na di dapat malimot. Nariyan ang marker nina Galicano C. Apacible at Gat Andres Bonifacio sa liwasan ng Balayan, Batangas.
Miyerkules, Pebrero 14, 2018
Kasalan sa Tanay nina Greg at Liberty
Biyernes, Pebrero 9, 2018
Pagdalo sa workshop ng CHR
Pagdalo as SecGen ng Ex-Political Detainees Initiative sa aktibidad ng CHR at NGOs sa Development Academy of the Philippines (DAP) sa Tagaytay hinggil sa National Preventive Mechanism ng Anti-Torture Law (RA 7945), mula Feb. 7-9, 2018.
Sabado, Pebrero 3, 2018
Magkaibang bala ng stapler, ngunit magkapareho ng laman
Nung nakaraan, naghanap ako ng kahon ng bala ng stapler. Hinahanap ko yung mahabang kahon ng staple No. 35, na ang bawat kahon ay naglalaman ng 5,000 staples. Ngunit ang nakita ko ay isang maliit na kahon, na akala ko ay kaunti ang laman kaysa sa mahabang kahon. At mas mura sana. Lumiit lang ang kahon, yun ang akala ko. Lumiit sa unang tingin, ngunit mas matangkad kaysa sa mahabang kahon.Ngunit magkapareho lang pala ang bilang (5,000) at haba (6mm) ng laman, pati na ang sukat na 26/6.
Isa itong engineering design na iniba ang anyo ng kahon ngunit gayon pa rin ang bilang ng laman ng kahon, walang labis, walang kulang. Kaya minsan, nais ko talagang bumalik sa pag-aaral, lalo na ng engineering at calculus, pag may ganito akong napupuna, tulad ng kahon ng mga bala ng stapler.
- gregbituinjr.
Isa itong engineering design na iniba ang anyo ng kahon ngunit gayon pa rin ang bilang ng laman ng kahon, walang labis, walang kulang. Kaya minsan, nais ko talagang bumalik sa pag-aaral, lalo na ng engineering at calculus, pag may ganito akong napupuna, tulad ng kahon ng mga bala ng stapler.
- gregbituinjr.
Biyernes, Pebrero 2, 2018
Pagtatanghal pangkultura sa CHR
May munting konsyerto sa CHR Ugnayan Garden kaninang 5pm-8:30pm, hinggil sa ika-31 anibersaryo ng Saligang Batas, Pebrero 2, 2018. At nanawagan sila ng mga performer. Isa ako sa mga tumugon, bumigkas ng tula at umawit, kasama ang ilang makata ng KM64, makatang Pia Montalban, Bong Dela Torre, Teatrong Bayan, at bandang Resolution 2017. May mga naghandog din ng awit, at pananalita mula kay CHR Chair Chito Gascon. Narito ang aking itinula sa CHR:
LALAKI MAN AY TINIG DIN NG KABABAIHAN
lalaki man kami'y tinig din ng kababaihan
kung ako'y haligi, asawa'y ilaw ng tahanan
dapat lamang ipagtanggol ang bawat kasarian
aba'y tingni ang nasa Kartilya ng Katipunan
kaya pagbibirong apatnapu't dalawang birhen
ang sa banyaga'y pasalubong at dapat maangkin
ay di katanggap-tanggap, kahit pagbibiro man din
ang mga kababaihan ay di dapat bastusin
dapat maging tinig din ng babae ang lalaki
pagkat noong nanliligaw pa lang sa binibini
ay binigkas na ng puso ang pagsintang kaylaki
kaya puri ng babae'y ipagtatanggol dini
baliw man ang hari ay hari pa ring naghahari
may tatalima pa rin sa utos na di mabali
ngunit ang hari'y di bathalang di maduduhagi
babagsak din siya sa gawaing kamuhi-muhi
- gregbituinjr.
Paanyayang may magandang selyo ni Marx
Ang ganda ng stamp ng isang imbitasyon sa akin. Karl Marx, kasabay ng taon ng ika-200 kaarawan ni Karl Marx sa Mayo 5, 2018. Maraming salamat po sa imbitasyon.
Huwebes, Pebrero 1, 2018
Pope Francis' prayer for countering fake news, translated from English to Filipino language
Pope Francis' prayer for countering fake news,
translated from English to Filipino language
by Gregorio V. Bituin Jr.
translated from English to Filipino language
by Gregorio V. Bituin Jr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)