Nung nakaraan, naghanap ako ng kahon ng bala ng stapler. Hinahanap ko yung mahabang kahon ng staple No. 35, na ang bawat kahon ay naglalaman ng 5,000 staples. Ngunit ang nakita ko ay isang maliit na kahon, na akala ko ay kaunti ang laman kaysa sa mahabang kahon. At mas mura sana. Lumiit lang ang kahon, yun ang akala ko. Lumiit sa unang tingin, ngunit mas matangkad kaysa sa mahabang kahon.Ngunit magkapareho lang pala ang bilang (5,000) at haba (6mm) ng laman, pati na ang sukat na 26/6.
Isa itong engineering design na iniba ang anyo ng kahon ngunit gayon pa rin ang bilang ng laman ng kahon, walang labis, walang kulang. Kaya minsan, nais ko talagang bumalik sa pag-aaral, lalo na ng engineering at calculus, pag may ganito akong napupuna, tulad ng kahon ng mga bala ng stapler.
- gregbituinjr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento