Pagdalo sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Kalayaan sa yungib ng Pamitinan sa Wawa, Montalban, Rizal, at pagbasa ko ng Kartilya ng Katipunan sa harap ng mga dumalo. Noong Abril 12, 1895 ay isinagawa nina Bonifacio at ng mga Katipuneros ang unang sigaw ng kalayaan sa yungib ng Pamitinan, sa Wawa, Montalban. Matapos ang programa at pananghalian ay nagpulong ang ilang natira, at inorganisa ang bagong grupong tinawag na Katipunang Pangkasaysayan ng Montalban, Rodriguez, Rizal.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Rodriguez, Rizal, sa pakikipagtulungan sa Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan) at Samahang Pangkasaysayan ng Bulakan, Inc.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Rodriguez, Rizal, sa pakikipagtulungan sa Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan) at Samahang Pangkasaysayan ng Bulakan, Inc.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento