Huwebes, Disyembre 17, 2015

Climate Walkers sa Inquirer, December 13, 2015

Ang mga Climate Walkers, na naglakad mula Luneta hanggang Tacloban mula Oktubre 2, 2014 hanggang Nobyembre 8, 2014, ay muling na-feature sa isyu ng Inquirer, Disyembre 13, 2015, kasabay ng COP 21 (ika-21 Conference of Parties) sa France. Ang nasabing litrato ay kuha sa San Juanico Bridge, at ako ay nasa ikalawa sa kaliwa, hawak ang streamer.

Nakasama ang inyong lingkod sa Climate Walk nitong 2014, at sa People's Pilgrimage from Rome to Paris (bagamat nagsimula lang ako sa Lyon, France) nitong 2015.

Maraming salamat sa Philippine Daily Inquirer sa muling paglathala ng aming litrato sa kanilang pahayagan. Maraming salamat din sa lahat ng bumubuo ng Climate Walk sapagkat binigyan nila ako ng pagkakataong makasama at maging kaisa nila sa marangal na layunin tungo sa panawagang Climate Justice!

- gregbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento