TATLONG TULANG HANDOG SA PAGLULUNSAD NG CEN (CITIZENS' ENVIRONMENT NETWORK)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Isang pambihirang pagkakataon ang ibinigay sa inyong lingkod ng bagong kalulunsad na pangkat pangkalikasan - ang Citizens' Environment Network o CEN. Nakasama ako sa proyektong Kultura at Kalikasan, isang munting konsyerto sa Conspiracy Bar and Garden Cafe, kasabay ng matagumpay na paglulunsad ng CEN, nitong Hunyo 24, 2016, araw ng Biyernes, sa ganap na ikaanim hanggang ikasiyam at kalahati ng gabi.
Dahil sa pagkakataong iyon, nasabi ko sa aking sarili na itutuluy-tuloy ko na ito, ang paglikha ng mga tula para sa kalikasan at pagbabasa nito sa mga konsyerto o anupamang ilulunsad ng CEN. Isang pambihirang pagkakataong ito na hindi naibigay ng iba pang grupong pangkalikasan sa tagal kong pakikisalamuha sa mga iyon. Ang pagtitiwala nila sa pagbigkas ko ng mga tula ay malaking inspirasyon na dapat kong ituloy-tuloy - ang paglikha pa ng mga tulang pangkalikasan hinggil sa mga napapanahong isyu at pakikibaka ng sambayanan para sa isang daigdig na may katarungan, mapayapa, ligtas at makakalikasang pag-unlad.
Nakapagpapataas ng moral ang mga palakpak, at nasabi ko sa aking sarili na hindi man sapat ang mga tula ay malaki ang maitutulong ng mga kathang ito sa pagmumulat sa mas malawak na mamamayang nasasalanta ng pagkawasak ng kalikasan dulot na rin ng kagagawan ng tao.
Ang paglulunsad na ito ng CEN ay hindi simpleng paglulunsad lamang para ipaalam sa tao na naririto na ang CEN, kundi inilunsad nila ito sa malikhaing pamamaraan - sa pamamagitan ng awit, tula, talakayan at panalangin. Sa munting oras lamang ay naabot ng CEN ang inaasahan, masasaya ang mga tao, at marahil ay kumintal din sa kanilang isipan ang lahat ng mga napakinggan nila't napag-usapan upang sa kalaunan ay magamit sa isang malawak at sama-samang pagkilos.
Sinimulan ito ng isang ritwal: pagkalembang ng singing bowl na hinawakan ni Ron Solis ng Greenpeace. Isa iyong hudyat ng pagninilay sa panalangin. Sinabayan ito ng katutubong awit-pabalangin ni Gng. Julia Senga ng International Visitor Leadership Program (IVLP) - Philippines at Women in Development Foundation, Inc. (WID). Si Ginang Donna Paz Reyes ng Miriam College, host ng Radyo Kalikasan (DWBL 1242) at environmental educator, ang siyang nag-emcee o nagpadaloy ng buong programa.
Si running priest Fr. Robert Reyes, OFM, Lead Convenor ng CEN, ang nagbigay ng pambungad na pananalita. Ang environmental sociologist mula sa Greenreseach na si Patria Gwen Borcena naman ang nagkwento hinggil sa pagbubuo ng CEN, pati na ang paglalatag ng kanilang kolektibong adhikain para sa alternatibong kamalayan, pang-ekonomikong direksyong naglalayon ng makakalikasang pag-unlad at mga kritikal na prinsipyo nito sa pagsulong ng kanilang walong puntong adyenda hinggil sa kapaligiran at likasyaman.
Marami ang naghandog ng awitin, pangunahin na sina Cathy Tiongson at Joseph Purugganan ng pangkat na tinawag nilang Village Idiots, na umawit ng hinggil sa globalisasyon at sa pagkamatay ng ilang magsasaka sa Kidapawan noong Abril 1, 2016.
Makabagbag-damdamin ang mga inawit na pangkalikasan ng pangkat na Alakdan (na binibiro kong lokal na bersyon ng bandang Scorpions), tulad ng Kalikasan ng Mga Anak ng Tupa, ang Masdan Mo ang Kapaligiran ng bandang Asin, at We Are the World, sa pangunguna ng kanilang lead singer na si Denise aka Lanie Lagrosa.
Si Manu o Anton Ferrer ay naghandog rin ng awit na sarili niyang mga likha, habang siya ay naggigitara.
Nagsiawit naman ang mga manonood hinggil sa bersyon ng Bahay Kubo na ipinaliwanag at ipinamahagi ni Ginoong Peps Cunanan.
Si Mario Guzman naman ang nag-video ng buong aktibidad. Kumuha rin ako ng ilang litrato.
Maganda ang ipinaliwanag ni Joey Ayala hinggil sa isang palihan na pinangunahan ni Gary Granada. Sa kanyang kwento, nagdrowing ng isang tuldok sa white board si Gary Granada at tinanong ang mga dumalo kung ano iyon. Ang sabi ng isa, tuldok. Ang sabi naman ng isa pa, bituin. At sabi umano ni Gary, iyan ang ibig sabihin ng artists. Sinasabi sa ating narito siya. Tulad ninyo, narito ako.
Ang kwentong ito ni Joey Ayala hinggil kay Gary Granada ay tiyak tumimo sa isip ng maraming naroroon. Narito ako. Narito tayo. Narito ang CEN.
Ilang minuto bago pumasok si Joey Ayala para umawit, tinanong siya ni Dino kung paano ako papasok para basahin ang tula. At sinabi ni Joey sa kanya na papasok ako sa gitna ng awit, at sesenyasan na lang niya ako para tumayo.
Kaya nang inawit na ni Joey Ayala ang "Agila", alerto ako. Nakita ko na agad kung nasaan ang mikropono para paghudyat niya sa akin ay tutulain ko na ang aking katha, hinggil sa kamatayan ng agilang si Pamana noong Agosto 2015. Iyon ang huli sa tatlo kong tula sa gabing iyon.
Napakaganda ng paliwanag dito ni Dino Manrique, isa sa mga convenor ng CEN at launch program secretariat member, pati tumayong stage director ng “Kultura at Kalikasan” sa kanyang Facebook. "And there was Joey singing his song Agila -- Haring Ibon -- and the poet Greg reciting his own Eagle poem -- the death of Pamana -- over the instrumental, and it was as if both compositions were made for each other, song to poem, poem to song, just like how every one who came had a role to play -- as audience, as performer, as organizer, as future participant, as future part of CEN."
Inawit din ni Joey Ayala ang "Walang Hanggang Paalam" na hiling naman nina Mam Donna at Gwen.
Ang unang tula - na may pamagat na "Kung Magdamdam ang Kalikasan" - ay binigkas ko pagkatapos ipaliwanag ni Gwen ang layunin ng CEN. Ang ikalawang tula - na may pamagat na Ang Pagmimina - ay binigkas ko matapos ipaliwanag ni Ron Solis ang isyu ng pagmimina.
Nirebisa at pinaikli ko ang tatlong tula, na ilan ay mahahaba, upang umakma sa okasyong iyon, tulad na lang ng tula sa agilang si Pamana na sa orihinal ay anim na saknong na ginawa ko na lang tatlong saknong. Narito ang teksto ng tatlong tulang binigkas ko sa gabing iyon:
KUNG MAGDAMDAM ANG KALIKASAN
14 pantig bawat taludtod
ramdam mo bang nagdaramdam din ang kalikasan
dahil siya'y patuloy nating sinusugatan
paanong di lumubha pa't ating malunasan
yaong kanyang mga sugat sa kaibuturan
ang pagkasira nito'y sadyang nakalulungkot
kaya mga tanong na ito'y dapat masagot
upang may magawa pa bago mundo'y bumansot
di dapat pulos pagdadahilan at palusot
ang pagdaramdam ba niya'y ating titiisin
agos ng sugat niya'y paano aampatin
ang nangyayari sa kanya'y ating unawain
panaghoy nitong kalikasan ay ating dinggin
ANG PAGMIMINA
9 pantig bawat taludtod
May dala nga bang kaunlaran
Ang pagmimina sa lipunan
O ang dala nito sa bayan
Ay sira-sirang kalikasan
At pagtaboy sa mamamayang
Doo’y nagsisipanirahan
Kaya’t kanilang karapatan
Ay nilalabag ng tuluyan.
Minimina ang kalupaan
Lalo na itong kabundukan
Damay rin pati kagubatan
Kinawawa ang likas-yaman.
Halina’t pakaalagaan
Ang bayan nati’t kalikasan
Pagminina ngayo’y tigilan
Para sa'ting kinabukasan
ANG PAGPASLANG SA AGILANG SI PAMANA, AGOSTO 19, 2015
13 pantig bawat taludtod
tatlong taong gulang na ang agilang si Pamana
nang siya'y matagpuang may tama ng bala
sa gubat ay walang awang binaril siya
at sa agilang ito'y wala pang hustisya
agilang si Pamana'y pamana ng lahi
di dapat inuubos ang kanilang uri
sa kanila'y ilan na lang ang nalalabi
lahi nila'y mapreserba ang aming mithi
di dapat nangyaring napaslang si Pamana
di dapat mangyaring mapaslang ang pamana
ng lahi, ipagtanggol ang ating kultura,
ang kalikasan, espesye, wika, historya
(Ayon sa mga ulat, ang agilang si Pamana, 3 tatlong gulang, ay natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala, pinaslang siya sa kagubatan ng Davao Oriental, Agosto 19, 2015.)
Maraming kaibigan at mga hindi ko pa nakakadaupang palad ang nagsidalo sa gabing iyon, at nagpapasalamat kami ng lubos sa lahat ng mga dumalo sa kanilang pakikiisa at aming pagkakaisa sa usapin ng kalikasan. Natuwa ako na dumating ang mga matagal nang kaibigan at kasama sa environmental movement na sina Liberty Talastas at Jon Sarmiento na bago ang gabing iyon ay huli kong nakasama sa seminar na ibinigay ng Climate Reality sa pangunguna ni Al Gore, na dating Bise Presidente ng Estados Unidos, na idinaos dito sa bansa. Naroon din ang ilang mga kabataan, ang mga kasapi ng Alyansa Tigil Mina (ATM) na sina Weng Maquio at kanyang kaibigan, isang taga-Human Rights NGO, ang mga nakasama ko sa Climate Walk na sina Ron Solis at Bong dela Torre, si Soc na pangulo ng Conspiracy at ng grupong PAKISAMA, at iba pa.
Sa lahat ng mga dumalo, taos-pusong pasasalamat! Mabuhay kayo! Mabuhay ang CEN! Mabuhay ang Kultura at Kalikasan!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento