Linggo, Marso 11, 2018

Pagtungo sa rebulto ni Hen. Gregorio Del Pilar

Nagtungo kami ni misis sa Bulacan, Bulacan upang daluhan ang debut ng aking pamangkin. Kinabukasan, bago umuwi ay nakita namin ang dambana o rebulto ni Heneral Gregorio Del Pilar, ang isa sa dalawang heneral na Pilipino na napatay sa digmaan noong Digmaang Pilipino-Amerikano. (Ang isa pa ay si Heneral Luciano San Miguel.) Tamang-tama naman at katapat nito ang terminal ng bus, kaya nagpiktyuran muna kami sa mahalagang dambanang ito na unang beses pa lang namin napuntahan. Hindi dapat palampasin ang pambihirang pagkakataon. - gregbituinjr







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento