Dumalo sa Kite-flying activity sa QC Circle bilang paggunita sa International Week of the Disappeared. Ito'y pinangunahan ng Asian Federation Against Involuntary Disappearances (AFAD), kasama ang mga kasapian nito, tulad ng Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND), Sombath Initiative ng Laos, Indonesian Association of the Families of Disappeared (IKOHI), Free Jonas Burgos Movement, atbp. Mayo 31, 2018.
Huwebes, Mayo 31, 2018
Saranggola para sa mga nangawala
Martes, Mayo 29, 2018
Ano ang RONDEAU, RONDEL at RONSAY sa panitikan?
Lunes, Mayo 28, 2018
Turok ni Kamatayan
ang Dengvaxia'y pumaslang ng limampu't pitong tao
ayon sa ulat na inilathala sa diyaryo
ang limampu't apat dito'y bata, isang obrero,
isang pulis, isang doktor, aba'y kaytindi nito!
ayon sa pagsusuri, sumakit ang ulo't tiyan
nilagnat, nagsuka, namaga ang internal organ
na nangamatay matapos nilang mabakunahan
aba'y nasayang ang buhay lalo ng kabataan
Turok ni Kamatayan, turing ngayon sa Dengvaxia
tila isinumpa ang kontrobersyal na bakuna
na kamatayan pala'y dala sa mga pamilya
sino na ang mananagot sa pagkawala nila?
mapaparusahan ba'y yaong nagturok na duktor
o ang dambuhalang kumpanyang Sanofi Pasteur
panlaban sa dengue na ito'y sila ang promotor
ika ng matatanda, nangyaring ito'y "que horror!"
mayorya'y batang may kinabukasan at pangarap
na nabiktima't nadale ng mga mapagpanggap
kumpanya'y mayaman, mga biktima'y mahihirap
gobyerno ba'y malalagot, sa kanila'y lilingap?
laban sa dengue, dukha'y sa patalim nagsikapit
inakalang ang bata'y maging malusog sa pilit
hustisya sa lahat ng namatay ang aming hirit!
katarungan sa mga biktima'y dapat makamit!
- gregbituinjr.
- kinatha batay sa balita sa pahayagang Bulgar, Mayo 28, 2018, na may pamagat ding "Turok ni Kamatayan"

Martes, Mayo 8, 2018
13 poems of Eman Lacaba I gathered from the Phil. Free Press
Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan ay ang labingtatlong tulang nalathala ng makatang Eman Lacaba. Marahil ay mas marami pa siyang nalathalang tula sa Philippines Free Press, subalit ang labingtatlong tulang naririto ang aking mga natagpuan.
Nawa'y makatulong ang mga natipong tulang naririto ni Eman Lacaba sa mga pananaliksik. Si Eman Lacaba ay nakilala ko sa aking mga nababasa bilang magaling na makata at rebolusyonaryo sa mapagpalayang kilusan, hanggang sa siya'y humawak ng armas bilang kawal ng sambayanan at napatay sa isang engkwentro noong 1976.
- gregbituinjr.
P.S. Narito ang talaan ng mga tula ni Eman Lacaba at petsang nalathala sa Philippines Free Press:
Birthday - November 5, 1966, p. 35
The Blue Boy - January 14, 1967, p.33
The Voices Of Women - September 16, 1967, p. 31
Night Drive - December 2, 1967, p. 31
5 poems - December 9, 1967, p. 181
- The Foreigners
- Bar Misvah
- Parable
- Portrait Of The Artist As Filipino And A Young Man
- Priapus In His Office Recalls The Pateros Fiesta
Last Poem - October 19, 1968, p. 35
Autobiography - January 11, 1969, p. 13
Terza Rima For A Sculptress - January 11, 1969, p. 13
Watawat Ng Lahi Poems Written In Spanish Forms Used By Rizal - March 8, 1969, p. 27
Linggo, Mayo 6, 2018
Sir Cirilo Bautista's two poems published in 1966
Paalam, Sir Cirilo F. Bautista, our National Artist for Literature. Last night, in the ancestral house of my wife Liberty in Mountain Province, I took a photo of two poems by Cirilo Bautista dated August 6, 1966, published at the Philippines Free Press. That was 52 years ago. These poems were entitled "Lascaux" and "Interior of an Angel".
Thanks for my wife for letting me scan files of about a hundred copies of the Phil. Free Press compiled by his late father. I have also compiled 13 poems of rebel-poet idol Eman Lacaba, published also in the Phil. Free Press.
Today, I learned about the poet's demise from other poets and writers. Condolence to his family and to the literary community.
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)