Sabado, Hunyo 23, 2018

Sa Landas ng Pagtatalingpuso

Pambungad
SA LANDAS NG PAGTATALINGPUSO
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kami ni Liberty ay nagkabalikan bilang magsing-irog noong Pasko ng 2017 mula sa sampung taon ng pagkakahiwalay. At kami'y ikinasal sa libreng civil mass wedding na pinangunahan ng alkalde ng Tanay, Rizal, noong Araw ng mga Puso 2018. Pang-anim kami sa limampu't siyam na pares na nagtalingpuso sa mahalagang okasyong iyon.

Mataimtim at tigib ng kasiyahan ang aming nadarama sa aming pagtatalingpuso o pag-iisang dibdib. Tunay na pagsasama ng dalawang pusong iniibig ang bawat isa. Sa mga bumati sa aming pag-iisang dibdib, maraming ibinansag ang mga kaibigan sa aming dalawa.

Kami raw ang couple na nabuo sa Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan). Ang namayapa naming kaibigang si Sir Ed Aurelio "Ding" Reyes ang siyang pasimuno o founder nito. Sa isang pulong ng Kamalaysayan kami unang nagkakilala ng aking asawang si Liberty noong 2005, kaya ang grupong ito'y napakahalaga sa amin. At ngayon, kami ni Liberty ay nahalal sa pamunuan nito lamang Disyembre 2017, matapos ang ilang serye ng pagpupulong matapos naming ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo (silver anniversary) ng Kamalaysayan noong Hulyo 7, 2017.

Kami raw ang couple na nabuo sa Climate Reality Project. Isa itong pandaigdigang pormasyon na inorganisa ng dating bise-presidente ng Amerika na si Al Gore. Nang inilunsad dito sa bansa ang tatlong araw na Climate Reality Leadership Training noong Marso 14-16, 2016 sa Hotel Sofitel, kami ni Liberty ay dumalo rito, at dito kami muling nagkita at nagkasama matapos ang ilang taon ng pagkakahiwalay.

Kami raw ang couple sa CEN (Citizen's Environment Network). Ang CEN ay isang koalisyon ng mga Pilipino sa mga sibiko, siyentipiko, pang-edukasyon, pananaliksik, kultural na organisasyon at komunidad, na nagtataguyod ng aktibong pangangalaga at maingat, napapanatiling paggamit at pamamahala ng ating kapaligiran at likas na yaman. Itinataguyod ng CEN ang isang Green Agenda para sa mamamayan. Dinaluhan namin ni Liberty ang paglulunsad ng CEN sa Conspiracy Bar and Garden Cafe noong Hunyo 24, 2016. Dito muling nagkita sina Liberty at Fr. Robert Reyes. Siya pala ang pari na nagbigay ng first communion kina Liberty noong siya ay Grade 3.

Kami raw ang couple na nabuo sa Kamayan Para sa Kalikasan Forum, na isang buwanang talakayan hinggil sa usaping kalikasan. Ito ngayon ay pinamumunuan ng Green Convergence. At nang kami ay dumalo  sa ika-336 na sesyon nito noong Marso 16, 2018 sa Kamayan Restaurant sa Edsa, malapit sa Ortigas, doon ay masaya kaming binati ng mga naroon at pinatayo sa harapan. Kasabay iyon ng ika-28 anibersaryo ng forum na nagsimula noong Marso 1990. Ang talakayang ito'y iniisponsor ng Triple V na nangangasiwa sa mga Kamayan Restaurant.

Taon 2006 ay niyaya ko siyang magsulat sa magasing Tambuli ng DakiLahi na editor ay si Sir Ding Reyes at ako ang associate editor. Taon 2007 ay isa si Liberty sa inalayan ko ng dedikasyon sa libro kong "Macario Sakay: Bayani", na inilunsad sa UP Manila, kasabay ng sentenaryo ng kamatayan ni Sakay noong Setyembre 13, 2007. Agosto 2008 nang inihatid ko si Liberty sa airport sa Clark, sa Pampanga. Patungo siyang Malaysia noon, at sinundo ko rin siya sa airport sa Clark matapos ang pitong araw. Ang napanalunan kong P2,500 sa Sudoku contest sa Manila International Book Fair ang ginamit kong panggastos sa pagsundo sa kanya.

Sa mga panahong iyon ay madalas na kaming nagkikita sa Kamayan para sa Kalikasan Forum, tuwing ikatlong Biyernes ng buwan. Nagsimula ako sa Kamayan para sa Kalikasan noong 1995 at siya naman ay noong 2004. Masigasig akong dumadalaw sa kanilang tahanan bilang kaibigan at manliligaw. Sinagot niya ako noong Enero 23, 2008 sa isang kainan sa Cubao. Matapos ang apat na buwan, nag-resign siya sa trabaho at iniwan ang lahat ng kanyang gawain sa lungsod. Siya'y nagdesisyong manirahan at magsilbi sa kanyang rehiyon sa Cordillera. Wala nang pag-uusap at pagkikita. Hanggang sa nag-cool off kami at nagkahiwalay ng taon ding iyon.

Nang mamatay si Sir Ding Reyes noong Hunyo 30, 2015, ang mga kaibigan niya at ang mga kasapi ng samahang kanyang inorganisa ay palagian nang nag-uusap upang magkaroon ng tribute para kay Sir Ding, at ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan. Isa sa mga organisasyong ito ay ang Kamalaysayan at isinagawa ang strategic planning noong Agosto 28-30, 2015 sa Tagaytay, at dito kami muling nagkasama ni Liberty.

Oktubre 2017, abala siyang gumagawa ng thesis at kailangan niya ng katuwang sa pagsusulat. At ako ay maagap na dumating. Di namin namalayan, muli naming sinariwa ang nakaraan. Sa pagsasaliksik sa mga impormasyong idadagdag sa kanyang pag-aaral, muli naming nakita at nabasa ang libro kong "Aklat at Rosas" na una kong ibinigay sa kanya noong Pebrero 14, 2008. Ang aklat na iyon ay ginamit kong pamamaraan noon upang hingin ang kanyang pagkatamis-tamis na OO upang aking maging kabiyak. Subalit hindi pa siya handa. Matapos ang sampung taon, ang kanyang “I do” ay ibinigay sa aming civil wedding, at kami'y ganap nang iisa.

Sa ngayon, pinaghahandaan namin ang tribal wedding o kasal sa kultura na gaganapin sa ika-6 ng Hulyo 2018. Bale may tatlong bahagi ito. Ang "chasar" na pag-uusap ng mga matatanda o elders sa magkabilang panig at pagpapalitan ng regalo. Dito rin nagkakakilanlan ang dalawang pamilya at magbubuo ng maigting na relasyon. Ang ikalawa ay ang "akamid" kung saan ang pamilya ng babae at lalaki ay magdiriwang at mananalangin upang ang pagsasama ng magsing-irog ay maging masagana, maligaya, malusog, at mapayapa. Manok na pinikpikan ang handa rito. At ang ikatlo, ang "sachuy" na siyang magtatapos sa ritwal ng kasal na magaganap sa susunod na taon, kasama na ritong magdiriwang ang buong komunidad. Dito'y idaraos ang sunga o pag-aalay ng baboy kay Kabunyan at pagsasaluhan ito ng mga tao sa komunidad.

Ang kasalan sa simbahan, o church wedding, ay magaganap naman sa San Antonio de Padua Parish sa Nasugbu, Batangas, sa ika-7 ng Hulyo 2018, kasabay ng ika-126 anibersaryo ng pagkakatatag ng Katipunan o KKK (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) at ika-26 na anibersaryo ng Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan). Sa Kamalaysayan ay kapwa kami opisyal, ako ang kalihim (secretary) at siya ang ingat-yaman (treasurer).

Marami akong nagawang tula ng pag-ibig na matutunghayan sa aklat na ito. Ang una ay ang tulang pinamagatan kong “Aklat at Rosas” na siyang pamagat ng una kong aklat na ibinigay kay Liberty noong Araw ng mga Puso 2008. Buhay pa hanggang ngayon ang aklat na ibinigay ko sa kanya, at patunay iyon ng aking pagsinta.

May mga katha ritong aking nasaliksik at isinama rito pagkat tumatalakay sa pag-ibig. Marami naman ang tula ng ibang makata sa wikang Ingles, at isinalin ko sa wikang Filipino. Sa aklat na ito'y mababasa rin ang ilan niyang tula na kanyang pinahintulutang malathala at mabasa ninyo. Ang mga tulang ito'y pinamagatan kong "Poems of Liberty".

Nawa’y ang matimyas naming pag-iibigan ay maging masagana at matagumpay. At nawa’y sa mabubuo naming pamilya, kami’y manatiling malusog at mapayapa, habang ginagampanan namin ang aming tungkulin sa aming kapwa at isinasabuhay ang pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao.

Munting pasasalamat man ang alay sa inyo, sa pamamagitan man ng aklat na ito, tayo’y nagkadaupang palad. Maraming salamat at mabuhay kayo!

3 komento:

  1. MAGANDANG BALITA!!!

    Ang pangalan ko ay si Rahim Teimuri Kemala mula sa Surabaya sa Indonesia, ako ay isang fashion designer at nais kong gamitin ang daluyan na ito upang sabihin sa lahat na mag-ingat sa pagkuha ng pautang sa internet, kaya maraming mga nagpapahiram dito ay mga pandaraya at narito sila. niloloko ka sa iyong pinaghirapang pera, nag-apply ako ng pautang na humigit-kumulang na Rp900,000,000 kababaihan sa Italya at nawalan ako ng halos 29 milyon nang hindi kumuha ng pautang, nagbabayad ako ng halos 29 milyong hindi pa rin ako nakakakuha ng pautang at ang aking negosyo ay Tungkol sa pag-crash dahil sa utang.

    Bilang aking paghahanap para sa isang maaasahang personal na kumpanya ng pautang, nakita ko ang iba pang mga online na ad at ang pangalan ng kumpanya ay GLOBAL LOANS COMPANY. Nawalan ako ng 15 milyon kasama nila at hanggang ngayon, hindi ko natanggap ang pautang na iminungkahi ko.

    Diyos ay maluwalhati, ang aking mga kaibigan na nag-apply para sa mga pautang ay tumanggap din ng mga pautang, ipinakilala sa akin sa isang mapagkakatiwalaang kumpanya kung saan nagtatrabaho si Ginang Alma bilang isang tagapangasiwa ng sangay, at nag-apply ako ng pautang na Rp900,000,000 at hiniling nila ang aking mga kredensyal, at pagkatapos natapos nila ang pagpapatunay ng aking mga detalye, inaprubahan para sa akin ang pautang at naisip ko na ito ay isang biro, at marahil ito ay isa sa mga aksyon na nanloko na nagawang mawala ako ng pera, ngunit natigilan ako. Kapag nakuha ko ang aking pautang sa mas mababa sa 6 na oras na may isang mababang rate ng interes ng 1% nang walang collateral.

    Natutuwa ako na ginamit ng DIYOS ang aking kaibigan na nakipag-ugnay sa kanila at ipinakilala sa akin sa kanila at dahil na-save ako mula sa paggawa ng aking negosyo na tumalon sa hangin at likido at ngayon ang aking negosyo ay lumilipad nang mataas sa Indonesia at walang sasabihin na hindi niya alam tungkol sa mga kumpanya ng fashion.

    Kaya payo ko sa lahat na naninirahan sa Indonesia at iba pang mga bansa na nangangailangan ng pautang para sa isang layunin o sa iba pang mangyaring makipag-ugnay
    Gng. Alma sa pamamagitan ng email: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com)

    Maaari ka pa ring makipag-ugnay sa akin kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng email: (rahimteimuri97@gmail.com). Ito ang mabuting ina na si Mrs Alma WhatsApp Number +14052595662

    Salamat muli sa pagbabasa ng aking patotoo, at nawa’y patuloy na pagpalain tayo ng Diyos at bigyan kami ng isang mahaba at maunlad na buhay at nawa’y gawin ng Diyos ang parehong mabuting gawa sa iyong buhay.

    TumugonBurahin
  2. kesaksian nyata dan kabar baik !!!

    Nama saya mohammad, saya baru saja menerima pinjaman saya dan telah dipindahkan ke rekening bank saya, beberapa hari yang lalu saya melamar ke Perusahaan Pinjaman Dangote melalui Lady Jane (Ladyjanealice@gmail.com), saya bertanya kepada Lady jane tentang persyaratan Dangote Loan Perusahaan dan wanita jane mengatakan kepada saya bahwa jika saya memiliki semua persyarataan bahwa pinjaman saya akan ditransfer kepada saya tanpa penundaan

    Dan percayalah sekarang karena pinjaman rp11milyar saya dengan tingkat bunga 2% untuk bisnis Tambang Batubara saya baru saja disetujui dan dipindahkan ke akun saya, ini adalah mimpi yang akan datang, saya berjanji kepada Lady jane bahwa saya akan mengatakan kepada dunia apakah ini benar? dan saya akan memberitahu dunia sekarang karena ini benar

    Anda tidak perlu membayar biayaa pendaftaran, biaya lisensi, mematuhi Perusahaan Pinjaman Dangote dan Anda akan mendapatkan pinjaman Anda

    untuk lebih jelasnya hubungi saya via email: mahammadismali234@gmail.comdan hubungi Dangote Loan Company untuk pinjaman Anda sekarang melalui email Dangotegrouploandepartment@gmail.com

    TumugonBurahin
  3. Kumusta kayong lahat,
    Ang pangalan ko ay Mr, Rugare Sim. Nakatira ako sa Holland at ako ay isang masayang lalaki ngayon? at sinabi ko sa aking sarili na ang anumang tagapagpahiram na nagligtas sa akin at sa aking pamilya mula sa aming mahirap na sitwasyon, magre-refer ako sa sinumang tao na naghahanap ng utang sa kanya, binigyan niya ako ng kaligayahan at ang aking pamilya, nangangailangan ako ng utang na € 300,000.00 upang simulan ang aking buhay sa kabuuan dahil ako ay isang solong Ama na may 2 anak na nakilala ko ang matapat at ang Allah na natatakot sa nagpahiram ng tao na tumutulong sa akin sa isang pautang na € 300,000.00, siya ay isang taong natatakot sa Allah, kung nangangailangan ka ng utang at babayaran mo ang utang mangyaring makipag-ugnay sa kanya sabihin sa kanya na (Mr, Rugare Sim) mag-refer sa kanya. Makipag-ugnay kay G., Mohamed Careen sa pamamagitan ng email: (arabloanfirmserve@gmail.com)


    FORM NG IMPORMASYON NG PAGLALAPAT NG APLIKASYON
    Pangalan......
    Gitnang pangalan.....
    2) Kasarian: .........
    3) Kailangan ng Halaga ng Pautang: .........
    4) Tagal ng Pautang: .........
    5) Bansa: .........
    6) Address ng Bahay: .........
    7) Numero ng Mobile: .........
    8) Email address ..........
    9) Buwanang Kita: .....................
    10) Trabaho: ......................
    11) Aling site ang ginawa mo dito tungkol sa .....................
    Salamat at Pinakamahusay na Pagbati.
    Email arabloanfirmserve@gmail.com

    TumugonBurahin