Ilalabas ko ang ikalawang edisyon ng nauna kong
aklat na Macario Sakay, Bayani, sa ika-110 anibersaryo ng kamatayan ni Macario
Sakay, sa Plaza Morga, Tondo, malapit sa Plaza Moriones, sa Setyembre 13, 2017.
Sa unang bersyon ng aklat, na inilunsad ko sa UP Manila noong 2007, sa tulong
ng history group na Kamalaysayan, ay nanawagan akong magkaroon ng rebulto si
Sakay, at isang taon makalipas niyon ay itinayo ang rebulto ni Sakay sa Plaza
Morga. May ilang mga bagong saliksik na aking isinama sa bagong bersyon ng
aklat.
Balak ko namang matapos at mailabas sa ika-30
anibersaryo ng kamatayan ni Lean Alejandro sa Setyembre 19, 2017 ang isang
aklat ng mga saliksik, sanaysay, at tula hinggil sa kanya. Ipinangako ko nuong
nakaraang taon sa mga organisador ng The Great Lean Run 2016 na gagawa ako ng
isang zine ng sampung tula kapalit ng sponsorship sa nasabing aktibidad. Nakuha
ko ang sponsorship, at nakalahok sa The Great Lean Run 2016. At ngayon, nais
kong tuparin ang aking commitment. Subalit kung marami ang magawa kong tula ay
aklat na at hindi lamang zine ang malikha. Ang Great Lean Run 2017 ay gaganapin
sa Setyembre 16, 2017, araw ng Sabado. Narito ang detalye: https://www.facebook.com/TheGreatLEANRun/?fref=mentions
Kaya ang dalawang aklat na ito, na tatlong araw
lang ang pagitan ng paglulunsad ng aklat, ay pinagsisikapan kong matapos, at
mailathala. Subalit, tiyak na mamomroblema sa pondo, subalit madidiskartehin
naman. At malakas ang loob kong sabihing abangan nyo ang paglabas ng dalawang
aklat na ito, at samahan nyo ako sa launching ng aklat na Macario Sakay sa
kanyang rebulto sa Plaza Morga sa Tondo sa Setyembre 13, 2017, at ang librong
Lean, kung matatapos ko, ay ila-launching ko habang nagaganap ang The Great
Lean Run sa Setyembre 16, 2017.
Kaya konsentrasyon ko sa mga susunod na araw ay ang
pagtapos sa dalawang aklat na ito at pagtiyak na mailunsad ito sa mga takdang
araw. Maraming salamat sa lahat ng susuporta sa dalawang proyektong ito.
- greg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento